Loading... Please wait...

Inspiring Stories: Jonathan Lontoc

Posted

“EVERYTHING STARTS WITH A DREAM, JUST FOCUS ON YOUR DREAMS and NEVER GIVE UP!”…… ilan ito sa mga tips ng ating full time Entrepreneur na si Mr. Jonathan Lontoc.

 


Habang empleyado siya sa isang multinational pharmaceutical company, nakita niya ang opportunity sa Barangay Burger dahil maganda at reasonable ang franchise na ito, kaya sinubukan niya at dun nagsimula ang paglago ng kanyang negosyo.

Sa maikling panahon, may 2 branches na siya ng Barangay Burger at 1 branch ng Brgy. Silog sa Los Baños Laguna. Katuwang niya ang kanyang pamilya sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang kanyang mga empleyado ay mga undergrad at working student dahil gusto niya itong matulungan na magkaroon ng trabaho, maka ipon at maipagpatuloy ang kanilang pag aaral. Plano niya na madagdagan pa ang kanyang mga branches para mas marami pa syang matulungan.



Hindi lamang isang entrepreneur si Jonathan. Isa din siyang sports enthusiast, isang triathlete at member ng TRI-O of Los Banos Laguna at ng ELBI Mountain bikers club. Mahilig din siya sa music at siya ang drummer ng kanilang high school band. Sa dami ng kanyang mga activities, hindi niya nakakalimutan ang kanyang mga responsibility bilang mabuting asawa at mabuting ama sa kanyang tatlong anak.

Saludo kami sayo Jonathan dahil madami kang natutulungan. Sana patuloy pa kayong makatulong sa iba at maging inspirasyon ng mga nais magnegosyo at entrepreneur na tulad niyo. GOOD LUCK and GOD BLESS , More Stores to come!

comments powered by Disqus


Recent Updates

Sign up to our newsletter


Connect with us: Facebook YouTube